Pagbabalik ng NFA rice sa mga pamilihan, suportado ng mga nagtitinda ng bigas sa Mandaluyong City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaking bagay kung ituring ng mga rice retailer sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City sakaling maibalik na sa mga pamilihan ang NFA rice.

Ito ang pananaw ng mga rice retailer na nakausap ng Radyo Pilipinas kasunod na rin ng isinusulong ng mga mambabatas na ibalik ang mandato ng National Food Authority (NFA) na makapagbenta ng murang bigas.

Para kay Mang Alfredo na isa sa mga rice retailer sa Kalentong Public Market, siguradong mapapababa na ang presyuhan ng bigas sa sandaling maibalik ang NFA rice.

Sana lamang aniya ay maganda pa rin ang kalidad nito upang lalong tangkilikin ng publiko.

Aniya, sakaling maibalik ang NFA rice, bukod sa lalaki na ang kanilang kita ay tiyak na mahihirapan ang mga mapagsamantala na itaas ang presyo ng commercial rice.

Sa ngayon kasi, nakapako sa ₱50 ang pinakamababang presyuhan ng bigas kaya’t kung babalik ang NFA rice ay malaki ang tsansa na bumaba pa ito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us