Panibagong round ng oil price roll back ang inaasahan bukas, araw ng Martes.
Base sa forecast ng kumpanyang Unioil, posibleng magkaron ng rollback sa lahat ng produktong petrolyo.
Base naman sa ilang taga industriya ng langis, maglalaro sa P0.70 hanggang P1.10 ang posibleng ibaba sa kada litro ng diesel, habang P0.50 to P0.90 per liter naman sa gasolina at P0.90s hanggang P1.10 naman sa kada litro ng kerosene.
Ayon sa Department of Energy (DOE), malaki ang epekto sa presyuhan ng langis ang napipintong ceasefire sa Gaza, at ang patuloy na paglobo ng imbentaryo sa langis ng Estados Unidos.| ulat ni Lorenz Tanjoco