Nagbigay babala ang Department of Energy (DOE) sa publiko partikular sa mga nagnanais na bumili at magpa-install ng solar panel sa kanilang mga bahay dahil na rin sa nararanasang krisis at problema sa enerhiya at paglalagay sa yellow at red alert sa mga grid sa Pilipinas.
Ayon kay Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, may mga listahan sila ng mga accredited at puwedeng bilhan ng mga solar na lehitimong kumpanya na puwedeng magkabit nito sa mga kabahayan sa ligtas na paraan.
Aniya, sa ngayon ay may kamahalan pa ang presyo nito dahil hindi lamang naman Pilipinas ang gustong makatipid sa paggamit ng enerhiya maging sa iba pang mga bansa.
Iginiit ng ahensya na mas makakatipid at makakamura tayo sa pagbili sa international market kung maraming iaangkat ang Pilipinas.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng Energy Department na ginagawa na nila ang lahat upang masolusyunan ang problema sa kuryente at maiwasan ang rotational brown out saan mang panig ng bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco