Pagbuo ng isang drainage master plan sa NCR, iminungkahi ng MMDA bilang paghahanda sa pagdating ng tag-ulan at La Niña

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinakailangan ng National Capital Region (NCR) ng isang “drainage master plan” upang maibsan na ang matinding epekto ng baha dulot ng papalapit na tag-ulan at La Niña.

Ito ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasunod ng kanilang mga ginagawang paghahanda hinggil dito.

Ayon kay MMDA Chair, Atty. Don Artes, dapat “interconnected” o konektado ang drainage system sa NCR para tiyaking mayroon itong tamang kapasidad na sumalo ng tubig-ulan sa mga susunod na panahon.

Kasunod nito, sinabi ni Artes na puspusan ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga Lokal na Pamahalaan para plantsahin ang kanilang mga plano.

Kabilang na rito ang paglalagay ng water catchment facility upang masalo ang mga babagsak na ulan at magagamit sa ibang bagay sa halip na masayang dahil sa pagbaha. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us