Pinaboran ng ilang mga senador ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo ng isang inter-agency coordinationg council para pagsama-samahin ang masterlist ng lahat ng mga lupang pagmamay-ari ng estado.
Para kay Senate Minority leader Koko Pimentel, magandang ideya ito.
Dapat rin aniyang gumawa ang gobyerno ng masterlist ng lahat ng mga public lands na iligal na naititulo sa mga pribadong indibidwal.
Minungkahi naman ni Senador Chiz Escudero na klaruhin at tukuyin ang ilang bagay sa paggawa ng listahan.
Kabilang na dito kung ang lupain ba ay pagmamay-ari ng estado o ng gobyero; kung may titulo ito o wala; pinaparentahan o hindi; may nakabinbing kaso o claim; o kung anong ahensya o GOCC ang nagmamay-ari nito.| ulat ni Nimfa Asuncion