Pagbuo ng Presidential Commission on Rice Sufficiency at government-to-government rice importation, minumungkahi ni Sen. Imee Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangangamba si Senator Imee Marcos sa panukala na payagang muli ang National Food Authority (NFA) na direktang makapag-angkat at magbenta ng bigas direkta sa mga pamilihan.

Ayon sa senator, ito ay dahil sa mga alegasyon ng overpricing, over importation, smuggling at iba pang corrupt practices na kinasangkutan na ng ahensya noon.

Sa halip, minumungkahi ni Senator Imee na magkaroon na lang ng government to government importation nang hindi na kakailanganin ng NFA.

Suhestiyon rin ng mambabatas, bumuo ng isang Presidential Commission on Rice Sufficiency at palawigin pa ng anim na taon o hanggang 2031 ang pagbibigay ng taunang P10 bilyong Rice Fund (Rice Competitiveness Enhancement Fund – RCEF) para masuportahan ang rice farmers.

Dapat na rin aniyang mangontrata ng mga magsasaka base sa estimated cost of production… kung saan pagkakasunduan na ang minimum price ng bigas bago pa man ang taniman.

Gayundin ang imandato ang mga lokal na pamahalaan, na direktang bumili sa mga magsasaka tuwing harvest season. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us