Ikinagalak ni Senate Majority leader Joel Villanueva ang pagbuo ni Ppangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng special body on human rights.
Nagpasalamat si Villanueva sa pagprayoridad ni Pangulong Marcos sa pagprotekta ng human rights ng bansa.
Sinabi ni Villanueva na ang karapatang pantao ang pangunahing rights ng bawat mamamayang Pilipino at dapat itong protektahan alinsunod na rin sa nakasaad sa konstitusyon.
Kaugnay nito, pinunto ng majority leader na isinulong nila ang pagpapataas ng budget ng Commission on Human Rights (CHR) ngayong taon para mapataas ang kanilang capacity-building initiatives.
Binuo ni Pangulong Marcos ang naturang ‘super body’ sa bisa ng Administrative Order number 22 na layong mapabuti ang mekanismo para sa pagtataguyod at proteksyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.
Pamumunuan ng Executive Secretary ang special committee habang magsisilbi namang co-chairman ang Department of Justice (DOJ) habang miyembro naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Interior and Local Government (DILG).| ulat ni Nimfa Asuncion