Sa kabila ng tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng Bagyong #AghonPH at nitong nakaraang mga araw, nilinaw ng PAGASA na hindi pa simula ng panahon ng tag-ulan.
Sa pulong balitaan ng PAGASA, sinabi ni Weather Specalist Benison Estareja na patuloy na binabantayan ang mga pag-ulan at ang hangin sa Western portion ng Luzon at Western portion ng Visayas.
Batay sa datos ng PAGASA, apat na monitoring station pa lang nila ang nakapag-rehistro ng maraming ulan mula sa nabanggit na direksyon.
Aniya, pito dapat sa kanilang monitoring stations ang makapagtala nito.
Sinabi ni Estareja na posibleng sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw pa pormal na ideklara ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.| ulat ni Diane Lear