Paggamit ng mobility devices gaya ng bisikleta at e-bike, patuloy na isinusulong ng DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang kampanya ng Department of Transportation (DOTr) para sa paggamit ng personal mobility devices tulad ng mga bisikleta, e-bike, e-scooter at iba pang non-motorized vehicles bilang bahagi ng adbokasiya para sa sustainable na transportation.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary Leonel De Velez, layon ng ahensya na bigyan ang mga commuter ng alternatibong transportasyon na makakatulong sa climate resiliency at climate mitigation.

Binanggit din niya ang EDSA Greenways Project bilang bahagi ng active transport na nagsusulong ng paglalakad sa kahabaan ng EDSA.

Kabilang sa iba pang climate resiliency at climate mitigation efforts ang modernization ng mga jeepney, paggamit ng electric vehicles, electric trains, sustainable aviation fuel, at marami pang iba.

Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na prayoridad ng gobyerno ang active transport sa pamamagitan ng paggawa ng mga pasilidad tulad ng safe walkways at secured bike lanes. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us