Tinututukan na rin ng Department of Agriculture (DA) sa paggawa ng mga imbakan ng mga lokal na aning prutas sa buong bansa.
Ito ang inihayag ng DA kasunod ng pagbagsak ng presyo ng mangga sa iba’t ibang pamilihan dahil sa over production.
Sa Balintawak market nasa Php40 na lamang pataas ang presyo ng kada kilo mula sa dating Php100 hanggang Php180.
Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, mababa ang presyo ngayon ng mangga dahil maganda ang ani sa maraming probinsya.
Ito aniya ay dahil sa isa ang mangga sa mga produktong agrikultura na hindi masyadong nangangailangan ng tubig.
Nakita na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. ang pangangailangan para dito kaya’t naglunsad ng maraming Cold Storage facility ang ahensya ngayong taon.
Noong nakalipas na mga taon, nakatuon lamang sa paggawa ng mga cold storage facility para sa mga isda, sibuyas, bawang at gulay ang ahensya.| ulat ni Rey Ferrer