Paghahanda sa La Niña, sinimulan na ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang lahat ng ahensyang kasama sa Task Force El Niño na simulan na ang paghahanda para sa La Niña phenomenon, alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi ni Teodoro na batay sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahan ang La Niña sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo, at Agosto.

Ayon kay Teodoro, habang patapos na ang El Niño phenomenon, ngayon ang panahon para paghandaan naman ang La Niña na inaasahang magdudulot ng higit sa pangkaraniwang ulan sa bansa.

Bilin ng kalihim sa mga miyembro ng Task Force na paghandaan ang mga hakbang para maibsan ang pinsala sa buhay at ari-arian.

Samantala, nagpaalala si Task Force El Niño Spokesperson Communications Assistant Secretary Joey Villarama na bagamat patapos na ang El Niño, ang mga huling linggo ng Mayo ay nananatiling kritikal sa aspeto ng pagtitipid ng tubig, enerhiya, at pagkain.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us