Isasagawa ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang kauna-unahang Regional Food Fest nito tampok ang mga pagkain mula sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas.
Ayon sa Taguig LGU, ang Regional Food Fest ay bahagi pa rin ng ika-437 founding anniversary ng lungsod kung saan matitikman ang mga delicacy mula sa mga lugar tulad sa Mimaropa, Bicol Region, Western, at Central Visayas Region, gaya ng mga sea food, laing, lechon, piaya, galletas, at marami pang iba.
Gaganapin ang nasabing food fest sa Arca Boulevard corner Intechange Road, sa Barangay Western Bicutan, Taguig.
Bukas ito sa mga nais makisaya sa sinasabi ng lungsod na “one of a kind food trip” mula ngayong araw, May 11, mula 4:00 ng hapon haggang 9:00 ng gabi at bukas muli, May 12, araw ng Linggo, 10:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi.| ulat ni EJ Lazaro