Pagkakabilang ng Pilipinas sa ‘whitelist’ ng Int’l Maritime Origanization, pagkilala sa husay at galing ng Pinoy seafarers — DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkakabilang ng Pilipinas sa “whitelist” ng International Maritime Origanization (IMO).

Ayon sa DMW, maituturing anila itong isang malaking pagkilala sa galing ng mga Pilipinong mandaragat.

Ang pagkakabilang anila sa “whitelist” ay patunay ng pagsunod ng Pilipinas sa pandaigdigang batayan na itinatadhana sa Standards of Training, Certification, and Watchkeeping (STCW) convention.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na hinahangaan nila ang galing, gayundin sa abilidad ng mga Pilipinong mandaragat na aniya’y mga bagong bayani na naglalayag sa karagatan.

Binigyang-diin pa ng kalihim na itinuturing din ang mga Pinoy seafarer na “worlds prefered crew” kung saan, nasa 30 porsyento ng tinatawag na maritime workforce ay pawang mga Pilipino.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us