Sumentro sa pagkakaisa ang naging mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang ‘signing of alliance’ sa pagitan ng Partido Federal ng Pilipinas at LAKAS- CMD.
Ayon sa Pangulo, tanggap ng taumbayan ang pagkakaisa na kanilang isinisigaw noong panahon pa ng kampanya.
Kaya ng nanalo aniya siya noong 2022 presidential election, sinabi ng Pangulo na kanya itong dinala sa pamamalakad sa ehekutibo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ‘whole-of-government approach’ kung saan ang bawat ahensya ng pamahalaan ay nagtutulong- tulong.
Binigyang diin din ng Pangulo na mahalagang makuha ang suporta mula sa lehislatura at importanteng magkaroon ng pagkakaisa sa pagitan ng executive at legislative.
Sinabi ng Pangulo na malakas ang kanyang loob na balikan ang konsepto ng pagkakaisa gayung nakita aniya na ang pagkakaroon ng pagkakaisa ay maraming nagagawa, maraming nababago at natutulungang mga Pilipino. | ulat ni Alvin Baltazar
📷: RTVM