Ikinalugod ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-apruba ng Kongreso sa consolidated version ng mga panukala na naglalayon na gawing institutionalize ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program ng ahensya.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, malaking tulong ito para mabigyan ng seguridad ang operasyon ng programa sa pamamagitan ng additional funding sa naturang programa.
Layon ng Food Stamp Program na matugunan ang mga pangangailangan ng mga benepisyaryo gaya ng monetary-based assistance gayundin ang pagbibigay sa mga ito ng training upang mapabuti ang kanilang employable skills.
Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay maaaring gumamit ng Electronic Benefit Transfer (EBT) cards na may P3,000 halaga ng food credits na pwedeng gamiting pambili ng food items sa mga accredited retailer.
Sa implementasyon ng FSP sasakupin nito ang 300,000 beneficiaries ngayong July. | ulat ni Diane Lear