Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa sitwasyon at pangangailangan ng mga residenteng apektado ng Bagyong Aghon.
“Nakapag-preposition na ng family food packs at non-food items in strategic location across the country.” —Dumlao.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Irene Dumlao na umakyat na sa higit P1.3 million na halaga ng family food packs at non-food items ang naipamahagi na sa Marinduque, Oriental Mindoro, Albay, Camarines Sur, at Sorsogon.
“We were informed this morning na dumating na rin sa Infanta, Quezon iyon naman pong mga karagdagang 5,000 family food packs na naipahatid natin, that is in addition to the earlier quantity of food packs na ipinahatid natin kahapon.” —Dumlao
Nagpapatuloy pa aniya ang pamamahagi ng tulong ng gobyerno, lalo’t una na ring silang nagkaroon ng relief agreement kasama ang mga LGU, upang mapadali ang access sa mga ito tuwing panahon ng sakuna o emergency.
“In fact, the DSWD has entered into relief preposition agreements with the local government units, nangsagayon iyon pong mga family food packs natin ay madali pong ma-access kapag nga po may mga emergencies or disasters. So, yes, ongoing pa po iyong ating isinasagawa na pagpapahatid ng tulong.” —Dumlao. | ulat ni Racquel Bayan