Nagbigay ng guidance si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Air Force (PAF) para sa pagpapatatag pa ng kakayahan ng mga ito, sa pagdepensa ng soberanya, teritoryo, at patuloy na pag-unlad ng Pilipinas.
Ito ayon kay Communications Secretary Cheloy Velicaria-Garafil ay ilan lamang sa mga natalakay sa command conference na pinangunahan ni Pangulong Marcos, sa Villamor Air Base ngayong araw (May 13).
“The President gave his guidance and instructions on some of the proposed programs to further strengthen the PAF as it defends the country’s sovereignty, territory and development.” -Secretary Garfil
Ayon sa kalihim, inilatag kay Pangulong Marcos ang mga plano, pinakahuling aktibidad, at mga isinusulong na proyekto ng Air Force.
“The President was briefed on the recent activities, plans and proposed projects of the Philippine Air Force.” -Secretary Garafil
Nagbigay aniya ng inputs ang Pangulo, sa ilang mga proyektong ito.
Bukod kay Pangulong Marcos, present sa command con ngayong araw, sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Defense Secretary Gibo Teodoro, Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo, at AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. | ulat ni Racquel Bayan