Pagpapalakas sa Philippine Coast Guard, pinapanukala ni Sen. Gatchalian sa gitna ng patuloy na pambubully ng China sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian sa Senado ang reporma at reorganization ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa ilalim ng Senate Bill 2650 ng senador, layong itaguyod at palakasin ang kapasidad ng PCG sa gitna na rin ng patuloy na pangha-harass at pambu-bully ng China Coast Guard, at mga Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS).

Dito ay ipinapanukala na ipawalang bisa ang Republic Act 9993 o ang Philippine Coast Guard Law of 2009 at papalitan ito ng Revised Philippine Coast Guard Law.

Sinabi ni Gatchalian, na palalakasin ng panukalang ito ang kapabilidad ng PCG sa pamamagitan ng pagsasaayos sa organizational structure ng ahensya at para makahikayat ng kwalipikadong tauhan.

Layon din ng panukala na mabigyan ng sapat na kagamitan ang PCG para matupad ang mandato nito at matugunan ang mga hamon na may kinalaman sa maritime jurisdiction ng Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us