Pagpapalawak ng kooperasyon sa pagitan ng Bangladesh at Philippine Army, pinag-usapan ng mga opisyal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinulong ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido at Non-Resident Attache (NRA) of Bangladesh to the Philippines Commodore MD Hasan Tarique Mondal ang pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng Philippine at Bangladesh Army.

Ito’y sa pagbisita ni Commodore Mondal sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig kahapon.

Dito’y tinalakay ng dalawang opisyal ang pagpapalawig ng edukasyon at pagsasanay sa pagitan ng dalawang hukbo.

Nagpasalamat naman si Commo. Mondal kay Lt. Gen. Galido sa tulong sa pag-apruba ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Bangladesh Army at Philippine Army. | ulat ni Leo Sarne

📸: SSg Cesar Lopez, OACPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us