Pinanawagan ni Senadora Risa Hontiveros ang pagpapalawak ng saklaw ng labor laws ng bansa kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng Labor Day.
Giit ni Hontiveros, dapat lumawak ang saklaw ng mga batas para umunlad ang lahat ng manggagawa anuman ang kanilang mga raket sa buhay – mapa formal o informal, public o private, digital o in-person na manggagawa man.
Umapela rin ang mambabatas ng karagdagang proteksyon at benepisyo para sa mga delivery riders, construction workers, at manggagawa sa agriculture sectors.
Nananawagan rin ang senadora sa DOTr na patuloy na dagdagan ng suporta sa mga jeepney drivers, para na rin sa kapakanan ng mga mananakay at ng transportation industry.
Binigyang diin rin ni Hontiveros ang patuloy niyang pagtutulak sa agarang pagpapasa ng panukalang P100 legislated wage hike, Anti-Endo and Contractualization Bill, panukalang konkretong benepisyo at proteksyon ang mga freelancers sa lumalaking gig economy; at Maternity Benefit for Women In the Informal Economy bill.| ulat ni Nimfa Asuncion