Nilinaw ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang intensyon sa pagsusulong ng pagrepaso sa Rice Tariffication Law ay hindi ang ibalik sa National Food Authority (NFA) ang buong awtoridad na pag-aangkat at pagbebenta ng bigas.
Inihayag ito ni Laurel sa pagdinig ng Congressional Oversight Committee on Agricultural and Fisheries Modernization sa gitna ng pagtutol ng ilang mga senador na ibigay sa NFA ang naturang kapangyarihan.
Ayon sa kalihim, maaaring ibigay ang naturang awtoridad sa Pangulo o sa DA secretary.
Gayunpaman, mas mainam aniyang sa DA secretary na ito ipaubaya bilang mas nakatutok sila sa DA sa sitwasyon ng bigas sa bansa.
Binigyang linaw rin ni Laurel na last resort at kung kailangang kailangan lang gagamitin ang awtoridad na ito.
“The real intention is not to give full power back to the NFA. But use NFA lang as a conduit to operationalize certain, moments of intervention maybe once or twice a year. But not through the authority of anybody in NFA…kami sa DA well mino-monitor namin to araw-araw, we can technically foresee or kung anong mangyayari and act accordingly.” | ulat ni Nimfa Asuncion