Nagpaalala ang isang party-list representative sa COMELEC na salaing mabuti ang mga kakandidato lalo na ngayong papalapit na 2025 midterm elections.
Sa gitna ito ng pagkuwestyon sa citizenship ni Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.
Matatandaan na sa pagdinig ng Senado sa ‘POGO-politics’ ay bigo ang alkalde na sagutin ang tanong ng mga senador gaya ng kaniyang education background at ospital kung saan siya pinanganak.
Ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Jil Bingalon, dapat suriin mabuti ng poll body ang mga isusumiteng impormasyon ng mga kakandidato.
“This will have served as a reminder in the midterm election this coming 2025 that kung baga, looked out ito ng ating Commission on Elections na dapat i-screen nila lahat ng mga kakandidato na ngayong darating na midterm election, na dapat sila po ay nagsasabi ng totoo sapagkat kung doon pa lamang po sa komento na kanila pong ipa-file which is the certificate of candidacy ay hindi na po sila magiging totoo, how much more pa kung mabigyan ito ng pagkakataon na sila ay manilbihan sa atin pong mga lugar. So, again this is a very serious issue na hindi lamang about national security dahil meron na ho tayong mga allegedly Chinese persons or individuals na gustong pasukin pati yung paggo-gobyerno sa ating bansa,” giit ni Bongalon.
Sabi pa niya, kung magagawang magsinungaling ng mga kandidato sa kanilang certificate of candidacy ay hindi malayo na kung maupo sila sa pwesto ay magsinungaling rin sila.
Para sa mambabatas, maaaring magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Kamara ukol kuwestyonableng citizenship ng alkalde.
Usapin kasi aniya ng pambansang seguridad ang nakasalalay dito.
“I guess it’s a possibility to have a parallel investigation here in House of Representatives, because what is this is very serious and at the same time very alarming, because imagine a Chinese, well allegedly isa pong Chinese person, was able to register herself 17 years after na siya po ay ipinanganak, so late registration po ‘yung nangyari. And this concerns about the citizenship of this particular individual, lalong-lalo na we are talking about a public official, and under our constitution those who wants to serve our country and to join the electoral process as candidates for a local position, they should be Filipino citizens,” sabi ni Bongalon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes