Nagpulong ang mga opisyal ng National Electrification Administration (NEA) at Maharlika Investment Corporation (MIC) para talakayin ang mga plano sa pagpapabuti ng power supply at distribution systems sa mga lalawigan sa Occidental at Oriental Mindoro.
Present sa pulong sina NEA Administrator Antonio Mariano Almeda at MIC President/CEO Rafael Consing, Jr., alinsunod na rin sa nilagdaang Memorandum of Agreement ng MIC sa mga LGU at electric cooperatives (ECs) sa mga naturang lalawigan.
Partikular na tinalakay rito ang hiling ng MIC sa NEA na suriin ang kasalukuyang lagay ng Mindoro Island Loop para sa posibleng upgrading o rehabilitasyon nito.
Suportado naman ito ni Administrator Almeda na naniniwalang matutugunan nito ang mga umiiral na rotational brownouts sa Mindoro islands. | ulat ni Merry Ann Bastasa