Pagsisikap ng gobyerno upang maibsan ang kahirapan sa bansa, tuloy-tuloy sa pamamagitan ng Bangon Pilipinas Serbisyo Fair — solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Zambales Representative Jefferson Khonghun na nakararanas ang ating mga kakababayan ng kahirapan.

Ito ang pahayag ng kongresista kasunod ang pahayag ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Atty. Larry Gadon na “haka-haka” lamang ang kahirapan sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Khonghun na ito ang dahilan kaya pinaiigting ng Marcos Jr. administration ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair upang maiabot sa ating  mga kababayan ang tulong ng pamahalaan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Aniya,  sa kasipagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez, pinupuntahan nila ang mga liblib na lugar upang maramdaman ang mga serbisyo ng pamahalaan.

Paraan aniya ito upang bumaba ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us