Pagsunod sa proseso para sa mga nag-aapply ng visa, mas hihigpitan ng gobyerno – Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hihigpitan ng pamahalaan ang pagbabantay sa proseso o pagtalima sa requirements ng mga nag-aapply para makakuha ng visa sa Pilipinas.

“What we will do is to more strictly enforce. Whereas dati hindi natin masyadong tinitingnan, Nakita natin maraming nagiging problema dahil diyan nakakakuha sila ng mga peke na dokumento, kung anu-ano ginagawa. May mga illegal, mga scammer, mga may human trafficking.” —Pangulong Marcos Jr.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa gitna ng mga panawagan na bawiin na ang kapangyarihan ng Bureau of Immigration (BI), upang i-convert ang tourist visa patungong student visa ng mga dayuhang pumapasok sa bansa.

Sa panayam sa Pangulo sa Cagayan de Oro City, sinabi nito na walang partikular na nationality ang paghihigpit ng implementasyong ito.

Pantay-pantay lamang aniya ang bawat dayuhang pumapasok sa bansa.

“Pantay-pantay lang lahat pero gagandahan namin ang enforcement doon sa examination doon sa mga naga-apply ng visa o doon sa mga nagko-convert doon sa tourist visa na student Visa, at ‘yung mga bumibili ng lupa dahil [nagpapanggap] sila na Pilipino sila.” —Pangulong Marcos.

Kailangan lamang aniyang siguruhin ng pamahalaan na hindi naaabuso ang pagpapapasok ng Pilipinas sa mga bisita nito. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us