Nakatutok na rin ang Marcos administration sa dental health ng mga Pilipino.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na pinaaaral na niya ang posibilidad na maitaas ang sweldo ng mga dentista sa mga pampublikong health facility na inaasahang magre-resulta sa pagbubukas ng mas maraming item o permanent position para sa mga ito.
“So the idea is to increase the salary of our dentist, hopefully, and create more items. Pinapaaral ko na ito because we have a law, a republic act for the National Dental Health Service and we will try to revive dental items with the higher pay or create a public-private partnership with the Philippine Dental Association to help.” —Secretary Herbosa.
Sabi ng Kalihim, isa lamang ito sa mga nakikitang paraan ng pamahalaan upang hikayatin ang mas maraming dentista na pumasok sa government health institution para sa pangangalaga sa dental health ng mga Pilipino na mas nangangailangan.
Ang problema kasi aniya sa kasalukuyan, dahil mahal ang dentistry, dalawang state university lamang ang mayroong kakayahan na i-alok ang kursong ito.
“We have one of the highest dental carers in the world and we lack ours…there are only two government-owned dental schools, University of the Philippines and West Visayas State University, and the reason for that is it’s very expensive to put up a dental school because you’d have a dental chair per student and million iyon iyong dental equipment, iyong everything to dentistry.” — Secretary Herbosa.
Bukod dito, ang mga dentista sa bansa ay mas pinipiling magtrabaho sa pribadong sektor. | ulat ni Racquel Bayan