Hinikayat ng dalawang mambabatas na miyembro ng Young Guns sa Kamara ang lahat ng Pilipino na suportahan ang pagtindig ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. laban sa patuloy na panggigipit ng China sa Pilipinas sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng insidente ng pagbangga at pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard sa Bajo de Masinloc.
Ayon kay 1 Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez, nakakagalit ang ginawang pag-atake ng China.
Kaya naman kailangan suportahan ang ginagawang mga hakbang ng Presidente para igiit ang ating karapatan sa WPS.
Sinegundahan ito ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.
Aniya, ang tanging ipinaglalaban ng Pangulong Marcos Jr. ay huwag panghimasukan ng ibang bansa ang teritoryo ng ibang bansa.
At sa sitwasyon ng Pilipinas, hindi naman aniya basta-basta lang nating inaangkin ang West Philippine Sea, dahil mismong UNCLOS at arbitral tribunal ang kumikilala dito.
“We should support the President. Because bullying tactics, a strategy like that, should be countered with a strong opposition and the President has taken that…But we are merely protecting ours na hindi naman natin kini-claim randomly or without any basis at all but this is supported by the decision of the UNCLOS. So, I guess, ‘yung mga ganyang strategy, they want to portray to the whole world that they’re a superpower and that’s why they can step on us anytime they want. And that’s a basic definition of a bully. Ang dapat na sagot sa isang pagsisindak ay hindi dapat “defeatist” ang attitude. Dapat tumindig, and the President is standing on a very legitimate position, and we need to support him on that,” sabi ni Adiong. | ulat ni Kathleen Jean Forbes