Ipinangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi nito hahayaang magtagumpay ang anumang tangkang pagpapabagsak sa pamahalaan.
Sa pagbisita ng Pangulo sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro (May 16), sinabi nito na ang focus ng pamahalaan ay ang pagpapa-unlad ng mga liblib na lugar upang malabanan ang insurhensiya.
“We will also not allow agents within the country to destabilize our government and create division within our nation,” -Pangulong Marcos Jr.
Kaugnay nito, hinikayat ng Pangulo ang tropa ng pamahalaan na patuloy na ipamalas ang loyalty, pagmamahal, at pagsi-serbisyo sa bansa.
“So, I urge all of you to continue to [demonstrate] your loyalty, patriotism, and service to your country. And let that love of country remain as your compass in your duty to our country and to our people,” -Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, panatilihin ng mga ito ang momentum sa kanilang operasyon hanggang sa lahat ng sulok ng bansa ay walang impluwensya ng terorismo.
“I call on you to develop the skills and acquire [knowledge] to combat new forms of warfare, including those that extend up to the digital realm,” -Pangulong Marcos.
Aniya, kailangan ring maging handa ang kanilang hanay sa paglaban sa mga pekeng impormasyon, mga maling pahayag, at digital operations na layong pag away-awayin ang mga Pilipino.
“We must be prepared to fight false narratives, disinformation, and digital operations that seek to sow conflict [against us] and among us,” -Pangulong Marcos.
Nagbabala rin ang Pangulo sa posibilidad na nagtatago lamang sa mga komunidad ang mga kalaban ng bansa.
Ang pamahalaan aniya ay handa sa paglaban sa mga ito at sa pagpapatupad ng mga countermeasure upang tuldukan ang mga bantang ito.
“Because of your efforts, these who we consider our adversaries before are now (helping to) build their communities instead of destroying those communities… It will ensure peace in formerly conflict-affected areas and prevent communities from falling back into the trap of armed conflict,” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan