Nagsanib-pwersa ang Department of Tourism (DOT) at Go Negosyo para sa Tourism Summit 2024.
Dito ay tinalakay ang mga oportunidad, mga uso sa merkado at mga makabagong diskarte sa tourism sector.
Nagsama-sama ang nasa 200 personalidad gayundin ang mga business leaders mula sa iba’t ibang industriya para talakayin ang mga oportunidad sa pagnenegosyo sa turismo.
Naniniwala ang mga stakeholders na dahil maganda ang ipinapakita ng turismo ng bansa ay mas lalo itong dapat palakasin.
Pinangunahan ng kalihim ng Turismo na si Christina Garcia- Frasco ang opening salvo sa isang serye ng mga panel discussion sa Go Negosyo Tourism Summit 2024.
Ayon sa kalihim, ang mga nangungunang trend na nagtutulak sa pag-unlad ng turismo sa loob ng mga bansa sa ASEAN ay kinabibilangan ng “sustainable tourism, development of culture and heritage, tourism circuits, digitalization of courses sa traditional tourism offerings, gastronomy tourism, at pati na rin ang turismo sa kalusugan at kagalingan.”
Bunsod nito, aniya, ay ito ang tutukan ng administrasyong Marcos sa pagpapalaganap ng turismo sa maraming destinasyon.
Dagdag pa ng kalihim na sinisikap din nilang matiyak na nag-aalok ang bansa ng mga de-kalidad na serbisyo sa turismo para balik-balikan ng turista ang bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco
#RP1News
#BagongPilipinas