Siniguro ng pamahalaan na may mapagkukuhanan ng kinakailangang pondo para sa mga ipatutupad na hakbang, na tutugon sa pangangailangan ng angkop na water supply para sa 40 milyong underserved na mga Pilipino.
Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni DENR Undersecretary Carlos David na bukod sa pondo ng gobyerno, tinitingnan ng pamahalaan ang posibilidad na pagkuha ng loans mula sa development partners ng gobyerno at mga organisasyon.
“Marami tayong iniisip na pagkukunan ng pondo – siyempre government funds; we are also looking at the possibility of soft loans from development partners and organizations.” -Usec David
Naipagbigay alam rin aniya niya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maaaring mag-isyu ang pamahalaan ng government bonds, para sa water projects.
Bukod dito, sinabi ng opisyal na nariyan rin ang suporta mula sa pribadong sektor.
“Na-bring up ko rin kay Presidente kaninang umaga kung puwede tayong mag-isyu ng government bonds for water projects; And of course PPP sa pagtutulungan ng private sector.” -Usec David. | ulat ni Racquel Bayan