Pamahalaan, walang nababalitaang destab plot sa hanay ng active police – Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi nakikita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan na magsagawa ng loyalty check sa hanay ng Philippine National Police (PNP), sa kabila ng pinalutang na umano’y destabilization plot laban kay Pangulong Marcos.

“I don’t see — wala kaming report na in the ranks. Iyong mga retired baka mayroon, mayroong mga gumagalaw, sumasama sa mga destab na ginagawa.” —Pangulong Marcos Jr.

Sa panayam sa angulo sa General Santos City, sinabi ng Pangulo, posible na iyong mga retiradong police ang mga gumagalaw o sumasama sa destab plot, ngunit mula sa hanay ng mga kasalukuyang pulis, wala namang nababalitaan ang pamahalaan na namumulitika.

“Pero sa ating mga kapulisan at siyempre lalo na sa officer corps, wala naman tayong nakikitang ganun na namumulitika ang mga police.” —Pangulong Marcos

Bukod dito, sakaling magsagawa ng loyalty check ang pamahalaan, maaari namang sabihin lang ng mga tatanuning pulis na loyal sila sa admistrasyon, kahit hindi naman ito ang katotohanan.

Sabi ng Pangulo, sisilipin naman ng pamahalaan ang record ng mga ito.

“So, ang loyalty check, hindi ko alam kung ano ‘yung loyalty check katotohanan. Anong sasabihin mo doon sa tao? Sasabihin, “loyal ka ba sa akin?” Siyempre, oo ang sagot noon ‘di ba kahit na hindi siya loyal sa’yo. Pero titingnan natin mga record ng mga…” —Pangulong Marcos.

Sabi ng Pangulo, kahit hindi naman siya binoto ng mga pulis, ayos lamang ito hanggat ginagawa nila ang kanilang tungkulin.

“Ang ano ko naman, kahit hindi mo ako binoto okay lang sa akin basta’t maging professional ka, gawin mo ‘yung trabaho mo nang tama. Iyon lang naman ang hinihiling ko sa lahat ng police, sa lahat ng armed forces.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us