Hinikayat ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang pamahalaang Pilipinas na dalhin na sa United Nations Convention on the Law of the Sea ang huling insidente ng pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay Justice Carpio, ito lamang ang ligal na hakbang na maaaring gawin ng Pilipinas upang pigilan ang sunod-sunod na pangha-harass ng China.
Ang UNCLOS lamang, aniya, ang tamang venue upang igiit ng Pilipinas ang kanyang soberenya laban sa China.
Hindi rin, ani Carpio, dapat maduwag ang ating bansa dahil nakikita ng International Community kung papaanong harrasment ang ginagawa ng mga Tsino sa West Philippine Sea.
Kinumpirma naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mahigit 100 diplomatic protest na ang na isampa ng pamahalaan ng Pilipinas laban sa China dahil sa mga mararahas na aksyon nito laban sa mga sasakyang pandagat ng bansa. | ulat ni Mike Rogas