Dumating na sa Davao Prison and Penal Farm ang nasa 500 persons deprived with liberty (PDL).
Ang mga ito ay mula sa New Bilibid Prison dito sa Muntinlupa City at bahagi ng ginagawang jail decongestion ng pamahalaan at isang parte ng kampanya ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na Bagong Pilipinas.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ilalagay ang mga nasabing PDLs sa bagong tayo na pasilidad sa DPPF na kayang mag-accomodate ng nasa 2,400 PDLs.
Dagdag pa ni Catapang na target nila na maglipat pa ng nasa 15,500 PDLs ngayong taon patungo sa iba’t ibang operating prison at penal farm ng BuCor bilang bahagi ng kanilang decongestion program.
Sa ngayon aniya ay mayroon na silang nailipat na 4,600, subalit marami-rami pa rin ang kanilang trabaho kaya umaasa sila na makukuha nila ang kanilang target bago matapos ang taon. | ulat ni Lorenz Tanjoco