Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na itutuloy na ang panghuhuli at paniniket sa mga e-trike at e-bike na dadaan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila sa susunod na linggo.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, sa ngayon magpapatuloy muna ang pagtataboy ng mga e-trike at e-bike sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Ani Artes, alisunod na rin ito direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ng mga educational campaign at ipaalam sa publiko ang naturang polisiya.
Pero aniya sa susunod na linggo ay ipatutupad na ang panghuhuli at paniniket sa mga e-trike at e-bike.
Matatandaang ipinag-utos ng Pangulo noong nakaraang buwan na suspindihin muna ang implementasyon ng polisya upang mabigyan ng sapat na panahon ang publiko kaugnay dito.| ulat ni Diane Lear