Naging mainit ang pagtanggap kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos nina His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkia at Her Majesty Duli Raja Isteri, sa Istana Nurul Iman, official residence ng Sultan of Brunei at ng kanyang pamilya.
Bukod kina Sultan Bolkhia at Her Majesty Isteri, Kasama ring sumalubong kina Pangulong Marcos at Unang Ginang ang Bruneian officials.
Binigyan ng arrival honors ang Chief Executive, kung saan ay naging bahagi din ng programa ang magkasunod na pagpapatugtog ng pambansang awit ng Pilipinas at Brunei.
Kapansin-pansin din ang makikitang magkatabing bandila ng Pilipinas at ng Brunei sa ilang mga lansangan ng Brunei, na isang simbolo ng pagkakaibigan, paggalang, at diplomatikong ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.
Kasunod ng mainit na pagtanggap sa Pangulo at First Lady ay sinundan naman ito ng bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Marcos at Sultan Hassanal Bolkiah. | ulat ni Alvin Baltazar