Naghahanda na ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para sa darating na halalan sa 2025. Ito ang political party ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“We have organized a steering committee, we will then go and make our alliances with the different parties. Of course, nand’yan ang Lakas, NPC, NUP. Sa, lalong-lalo na sa House. Pero syempre kailangan din nating kausapin kasi mga governor, may sariling, may mga local party ‘yan. So, we have to come to some kind of arrangement.” —Pangulong Marcos.
Sa oath-taking ceremony ng mga bagong miyembro ng PFP, sinabi ni Pangulong Marcos na nakikipag-usap na siya sa mga lider ng iba’t ibang political party.
“Uhaw pa rin ang tao para sa pagkakaisa. Talagang, sa aking palagay, hanggang ngayon ang tao ayaw na nila nag aaway-away. Ayaw na nila ang walang nangyayari dahil puro pulitika na lang ang pinaglalaban. Ganun ang aking naramdaman mula ng Mayo noong 2022. Para sa akin, maliwanag na maliwanag ‘yan.” —Pangulong Marcos.
Bukas naman aniya ang mga ito na humanap ng common ground, upang sa halalan ay nagkakaisa ang mga ito.
“I have spoken to the leaders of the other parties and as far as I can tell, eh mukha naman, willing naman lahat ng tao na makipag-usap, and find a way. Find a way around all these, para naman pagdating ng halalan ay tayo’y nagkakaisa at maliwanag na maliwanag sa taong-bayan kung sino ba ang talagang ini-endorso natin, sino ba talaga ang ating hinaharap sa kanila upang sila’y, upang makapagserbisyo sa kanila.” —Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, bagamat walang madaling eleksyon, nais nila na pagsapit ng Oktubre, maayos na ang kanilang line up ng mga kandidato, at mga binuong komite na tututok sa mga alyansa at paghahandang ito.
Batid aniya niya na maraming hamon ang uusbong, gayunpaman, sisikapin nilang maisaayos o maisapinal agad ang mga kinakailangan.
“That is why we have to very well organized, that we have to be in constant communication with one another so that we know what’s going on and at the very beginning, trabaho ito ng ating leadership ng ating partido ay magkaroon tayo ng magandang plano hindi lamang para sa national, kundi para sa lahat ng LGU.” —Pangulong Marcos.
Paliwanag ni Pangulong Marcos, kung maliwanag ang line up ng mga kandidato ng kanilang partido, maayos nilang mapa-plano ang pagtulong sa kanilang mga miyembro, lalo’t ginagawa naman nila ito para sa pagli-lingkod sa taombayan.
“To the newly sworn in members to the PFP, welcome and I hope, and we will make sure that you will find a political home here in the Partido Federal [applause], and beyond that, let us work together, and let us continue to keep in mind that what is, the best way for us to serve our people is to come together and to work as one.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan