Pangulong Marcos Jr., nasa Singapore na para sa nakatakdang pakikibahagi sa International Institute for Strategic Studies Dialogue

Facebook
Twitter
LinkedIn

Eksakto alas-4:52 ng hapon (May 29), lumapag sa Changi Airport VIP Complex sa Singapore ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ay para sa gagawing pakikibahagi ng Pangulo sa International Institute for Strategic Studies (IISS) Dialogue sa Biyernes (May 31), kung saan magsisilbing keynote speaker ang Pangulo.

Sa diyalogong ito, pag-uusapan ang mga global issue sa aspeto ng seguridad at depensa na dadaluhan ng defense ministers, military chiefs, government officials, security experts, at iba pang world leaders, mula sa 40 mga bansa.

Kung matatandaan, pasado alas-3 ng hapon (May 29), nang umalis mula Brunei si Pangulong Marcos matapos ang matagumpay na dalawang araw na State Visit. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us