Pangulong Marcos Jr. sa Brunei Business Leaders: Ikunsidera ang Pilipinas bilang prime business destination

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R.  Marcos, Jr. ang mga negosyante sa Brunei Darussalam na ikunsidera ang Pilipinas bilang kanilang prime investment country.

Sa kanyang talumpati sa Philippine Business Forum sa Brunei, binigyang-diin ng Pangulo na itataguyod nito ang kapwa kapaki-pakinabang para sa sektor ng negosyo ng Pilipinas at Brunei.

Sa forum ay iprinisinta din ng Chief Executive ang lakas ng ekonomiya ng Pilipinas, at binigyang-diin na mas madali na ang pakikipag-partner sa kalakalan at pamumuhunan. Hindi lamang sa larangan ng agrikultura kung hindi pati na sa renewable energy, Halal development, at iba pang mga oportunidad sa ilalim ng Brunei Darussalam Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area o BIMP-EAGA.

Bukod dito ay gumagawa na din aniya ang Pilipinas ng makabuluhang hakbang para mas mapadali ang pagnenegosyo sa bansa, bukod pa sa gawing mas simple ang pagbabayad ng buwis at mga proseso sa pagnenegosyo.

Bukod pa dyan ay may ginagawa na din aniyang hakbang para mareporma ang fiscal incentives. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us