Pangulong Marcos Jr., walang naging paunang impormasyon sa Senate leadership change – SP Chiz Escudero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan si Senate President Chiz Escudero na walang naging paunang impormasyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungkol sa naging pagbabago sa liderato ng Senado.

Sa naging dinner ng mga senador kasama si Pangulong Marcos nitong Martes ng gabi, hindi aniya natanong ang punong ehekutibo tungkol sa naging rigodon sa Senate leadership.

Ang tanging sinabi lang aniya ng Pangulo tungkol dito ay nalaman lang niya ang tungkol sa leadership change nang makabalik na siya mula Dumaguete at Bacolod.

Samantala, sinabi ng bagong Senate President na ang pinakamalapit na sa trabahong napag-usapan sa dinner kasama ang Pangulo ay nang kausapin ni Senator Cynthia Villar ang punong ehekutibo tungkol sa Rice Tariffication Law.

Present sa naging dinner sina Escudero, Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Majority Leader Francis Tolentino, Senador Robin Padilla, Alan Cayetano, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Mark Villar, Sen. Cynthia Villar, Loren Legarda, Pia Cayetano at Grace Poe.

Naroon rin ang mga asawa ng mga senador at si First Lady Liza Araneta Marcos.

Sina Senate Minority Leader Koko Pimentel at Senador Bong Revilla, bagamat wala sa dinner ay present naman ang kanilang mga asawang sina Kathryna Yu-Pimentel at Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us