Magsasagawa ng in house job fair ang pamahalaang lungsod ng Pasay.
Pangungunahan ito ng Public Employment Service o PESO – PASAY at katuwang ang Philippines Statistics Authority (PSA).
Dahil dito ay nag aanyaya ang Pasay LGU sa mga residente nito na makiisa sa darating na Biyernes, Marso abente kwatro sa nasabing job fair.
Gagawin ang naturang aktibidad mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa PESO Office, room 310, ikatlong palapag ng Bulwagang Pampamahalaan ng Pasay.
Paalala ng pamahalaang lungsod na huwag kalimutang magdala ng updated resume, sariling ballpen at magsuot ng angkop na kasuotan para sa interview.
Nilinaw din ng Pasay LGU na ang naturang programa ay bahagi ng H.E.L.P. Priority Agenda ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano at Barangay Labor Desk – Reload. | ulat ni Lorenz Tanjoco