Itinutulak ng isang mambabatas ang pag-apruba sa panukalang mag-aatas sa mga establisyimento na magkabit ng Closed-Circuit Television (CCTVs) Cystems.
Salig sa House Bill 8068 ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan, ang mga negosyo na may 20 o higit pang empleyado at may mga transaksyon na hindi bababa sa P50,000 kada araw ay dapat maglagay ng CCTV sa entrance, exit, loob ng opisina at iba pang lugar sa kanilang establisyimento.
Halimbawa nito ang restaurants, mga ospital, malls, shopping centers, mga sinehan, supermarkets, groceries, entertainment centers, office buildings, warehouses, sabungan at iba pa.
Bago rin sila makakuha ng business permit ay magiging requirement ang pagkakabit ng CCTV.
Tinukoy ng mambabatas na noong 2022 ay naglabas ng kautusan ang DILG na humihimok sa mga lungsod at munisipalidad na maglabas ng ordinansa para sa paglalagay ng CCTV ngunit sa piling establisyimento gaya ng bangko, gasolinahan, pawnshop supermarket at medical facilities.
Giit ni Yamsuan na mahalagang gumamit ng mga makabagong teknolohiya para mapanatiling ligtas ang publiko at maaari pang makatulong sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa mga krimen.
“HB 8068 takes this one step further by making this a requirement, rather than a preference, for all businesses that have more than 20 employees or those engaged in large transactions on a daily basis. The private sector can play a key role in helping law enforcers secure public places and prevent crime by installing CCTV cameras in strategic locations. The goal is to make CCTV cameras effective tools in helping deter, detect and solve crimes,” sabi ni Yamsuan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes