Panukala para sa deklarasyon ng State of Imminent Disaster, pasado na sa komite ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ni House Committee on Disaster Resilience Chair at Dinagat Island Representative Alan Ecleo ang kahalagahan ng panukalang magpapalakas sa pre-disaster response ng pamahalaan.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Komite sa House Bill 10233 o “Declaration of State of Imminent Disaster Act.”

Sa ilalim nito ay maaaring ideklara ng National Government at mga LGU ang State of Imminent Disaster, para agad makapagkasa ng mga hakbang na makakabawas sa vulnerability at makakatugon sa mga emergency sa komunidad.

“HB 10233 shall enable our Government to issue timely declarations should the need already present itself even before the first drop of storm makes landfall,” sabi ni Ecleo.

Bahagi nito ang mobilization ng pondo, pag-iimbak ng pagkain at non-food items, at pagpapatupad ng mga plano ng national at local Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).

May probisyon din ang panukala para patawan ng parusa ang mga magpapabaya sa tungkulin, pipigil sa pagpasok at distribusyon ng relief goods sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Imminent Disaster, at illegal solicitations.

Gayundin ang puwersahang pangungumpiska, pagbili at pagbebenta, misrepresentation, misdelivery, at pagpapalit ng relief goods at equipment para sa disaster response. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us