Sa pamamagitan ng “viva voce voting” ay pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 10178 o Overseas Electronic Registration and Voting Act.
Sa pamamagitan ng “Internet Voting Bill” ay mapapalawak ang pamamaraan ng pagpaparehistro at pagboto ng mga overseas Filipinos at overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon kay ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino, isa sa pangunahing may akda ng panukala, maituturing itong tagumpay para sa overseas voters lalo na ang OFWs.
Oras na maisabatas ay magkakaroon na sila ng alternatibo at mas madaling paraan ng pagpaparehistro at pagboto.
Kaya naman kumpiyansa ang mambabatas na sa paraang ito ay mapapataas ang voters’ turnout sa hanay ng overseas voters na kadalasan ay mababa at nauuwi sa disenfranchisement.
Noong nakaraang 2022 National Elections, sa 1.69 million registered overseas voters, 600,000 o 35.5% lang ang nakaboto.
Una nang sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) na ipatutupad ang Internet Voting sa 2025 Midterm Elections sa may 17 Philippine post sa buong mundo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes