Suportado ng Department of Finance (DOF) ang panukalang National Water Resource Management Act na nakasalang ngayong sa komite level ng Senado.
Ang Senate Bill 102 ay kabilang sa priority measure ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naglalayong magtatag ng Department of Water Resources o DWR.
Ito ang magsisilbing central agency na responsable sa “comprehensive and integrated water resources development and management” sa Pilipinas.
Ayon kay DOF Privatization and Partnership Group Undersecretary Catherine Fong, mas mainam na isulong ang public –private partnership o PPPs upang mas makaengganyo ng mga mamumuhunan at partnership sa pribadong sektor.
Bukod sa investment, mapapalakas pa aniya nito ang revenue generation sa water sector.
Maalalang pinagtibay ng House of Representatives ang panukalang Department of Water and Resources and Water Regulatory Commission noong December 2023. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes