Kailangang pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang plano na payagan muling makapag buy and sell ng bigas ang National Food uthority (NFA).
Ayon kay Senador Sonny Angara, dapat maging maingat sa panukala at ipinaalala rin ng senador kung paanong nabalot ng korapsyon ang ahensya noong mayroon pa silang otoridad na bumili, at mag-angkat ng bigas.
Sinabi ng senador, na maaaring maghanap na lang ng ibang paraan ang gobyerno na mapababa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Nagpahayag rin ng agamagam si Senator Nancy Binay sa panukalang ito.
Dapat aniyang tingnan at rebyuhin ng mga nagtutulak sa panukala ang track record ng NFA. | ulat ni Nimfa Asuncion