Inaprubahan ng ng House Committee on Basic Education ang panukalang pagtatag ng congressional libraries.
Sa pagdinig ng komite sa House Bill 8511, hiningan ni Negros Occidental Rep. Francisco “Kiko” Benitez ang National Library ng update sa compliance ng ahensya sa Republic Act 7743 na isinabatas noong 1994.
Ayon sa mambabatas nakasaad sa RA 7743 na dapat may sapat na bilang ng mga libraries sa congressional, city, municipal at barangay reading centers.
Ayon kay National Chief Librarian Jennifer Dimasaca, sa ngayon nasa 1660 lamang ang mga libraries sa bansa, malayo sa nakasaad sa batas na 42,000 na silid aklatan.
Sa kabuuang bilang meron lamang 3 congressional library sa buong bansa, 56 na provincial library, 1 regional, 116 na city library, 611 municipal at 870 barangay reading center.
Inaprubahan ng komite ang HB 8511 subject to amendments na ipapanukala ng national library bagay na sinangayunan naman ni Bohol Rep. Maria Vanessa Aumentado na may akda na panukala.| ulat ni Melany V. Reyes