Plano ng Securities and Exchange Commission (SEC) na ilabas na ang regulatory framework sa cryptocurrency assets and trading bago matapos ang taon.
Ayon kay SEC Chairperson Emilio Aquino, kanila nang nabuo ang framework at inaasahang ilalabas ang kalahati nito ngayon taon–ito ay ukol sa crypto asset guidelines.
Layon nito na ma-regulate ang cryptocurrency trading sa bansa at mapangalagaan ang interest ng mga investors.
Ginawa ni Aquino ang pahayag kasunod ng kanilang paghihigpit laban sa mga hindi nakarehistong mga trading platforms.
Maalalang sumulat ang SEC sa Apple at Google kamakalian upang ipatanggap ang Binance App sa kanilang mga app markets sa bansa.
Umaasa si Aquino na agad aaksyon ang Apple at Google sa kanilang request.
Paliwanag pa ng SEC chief sa kanilang naging aksyon laban sa Binance, ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin upang mapangalagaan ang mga investors.| ulat ni Melany V. Reyes