Pinagaaralan ni Presidential Assistant on Poverty Alleviation Larry Gadon na maghain ng impeachment complaint laban sa mga mahistrado ng Korte Suprema.
Ito ay may kaugnayan sa guilty verdict ng SC kay Gadon sa gross misconduct dahil sa umano’y perjury at pag-aakusa na base lamang sa hearsay o sabi-sabi nang ihain nito ang impeachment complaint laban kay ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PAPA Gadon na hinihintay pa niya ang kopya ng desisyon ng SC para mapag-aralan ang magiging susunod na hakbang.
Naniniwala naman itong pinag-iinitan at pinopolitika lang siya ng SC.
Giit pa ni Gadon, wala dapat jurisdiction ang korte suprema sa impeachment case laban kay Sereno, dahil inihain ito sa kamara. | ulat ni Merry Ann Bastasa