Pinuna ni Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang Philippine Health Insurance corporation (PhilHealth) dahil sa umanoy “hoarding” ng pondo nito.
Ayon kay Reyes, limitado pa rin ang benepisyo na ipinagkakaloob nito sa mga miyembro sa kabila ng mataas na kita ng ahensya mula sa mga premiums and subsidies.
Ayon sa mga mambabatas patuloy ang pagtaas ng PhilHealth premiums pero hindi naman ito nararamdaman ng ordinaryong mamamayan.
Nagtaka kasi si Reyes, na siyang vice chair of the House Committee on Health, na sa P173.4 billion na kita ng 2023 pero tinitipid ang nga benepisyaryo sa pagtulong.| ulat ni Melany V. Reyes