Nagsagawa ng Citywide Clearing Operation ang Pasay City particular sa Barangay 55, 53, at 50 para tiyakin na walang nakahambalang obstruction sa mga daanan ng tao at sasakyan para sa paghahanda sa pagpasok ng La Niña phenomenon.
Hinimok ang mga residente at mga stakeholders na makipagtulungan at suportahan ang inisyatiba ng lungsod para sa kalinisan at pagpapabuti sa buong komunidad.
Ayon kay Mayor Emi Calixto Rubiano, kakaibang approach ang kanyang direktiba sa paglilinis sa mga bangketa, estero, komunidad, at mga pangunahing lansangan ng Pasay.
Hindi aniya kailangan ng dahas at pwersahan sa paglilinis sa mga komunidad na magdudulot ng pangamba at kaguluhan sa mga barangay.
Sa direktiba din ng alkalde dapat gawing maayos at diplomatiko ang pakikipag-usap sa mga kababayan para mauunawan nila ng lubos ang pangangailangan ng mga constituents na magkapag hanapbuhay.
Araw-araw naman ang gagawing pag-iikot ng clearing team kasama ang mga barangay officials at ng Pasay City Police upang paalalahanan ang mga residente para isaayos ang mga illegal parking at terminals, mga sagabal sa bangketa, at mga ambulant vendors na nakakasikip sa trapiko. | ulat ni Lorenz Tanjoco